Friday, October 2, 2009

Sa Kabila Ng Bagyo...May Pag-Asa Ang Bayan Ko

Kalunos lunos ang sinapit ng ating maraming mga kababayan sa paghagupit ng bagyong Ondoy noong nakaraang Sabado (Sept. 26). Higit na apekatado ang mga naninirahan sa tabing ilog at baybay dagat. Sa ngayon, paparating na naman ang isang malakas na bagyo ayon sa weather forecast.

Naalala ko tuloy si Job sa Biblia. Ng siya ay dumaan sa pagsubok isang bagay ang nagdudulot ng katiyakan sa kanyang buhay at ito ay ang katiyakang sa bawat yugto ng kanyang buhay...KASAMA NIYA ANG DIYOS,

Dagdag pa dito ang pagkakaroon niya ng HEDGES OF PROTECTION SA KANYANG BUHAY mula sa Panginoon.

Ang kasalukuyang kaganapan sa ating bansa ay isang oportunidad at pagakakataon upang ang sambayanang Pilipino ay magbalik loob sa Diyos at hanapin ang kanyang pagsama sa ating buhay lalo na sa ating minamahal na bansang Pilipinas.

Ito'y isang pagkakataon din upang suriin ng bawat isa kung mayroon pa ba tayong HEDGES OF PROTECTION mula sa ating mapagmahal na Diyos. Kung ating matatandaan noong 2004 ay nagkaroon ng kalamidad sa ating karatig bansa sa Asia subalit hindi nakaranas nito ang Pilipinas. Ang aking tinutikoy ay ang Tsunami.

Mga giliw na bumabasa ng artikulong ito...panahon na para tayo'y gumising sa katotohanan.
MAGBALIK LOOB TAYO AT MAGPAKUMBABA SA PANGINOON AT HANAPIN ANG KANYANG MUKHA. UPANG KUNG MAGKAGAYON MAKAMIT NATIN ANG KANYANG PAGKALINGA AT MARANASAN NATING LAHAT ANG ISANG PINAGPALA, MAPAYAPA AT MAUNLAD NA BANSANG PILIPINAS SA LILIM NG PANGANGALAGA NG ATING MANLILIKHA.

GOD BLESS THE PHILIPPINES!!!