One thing that is necessary for evil to triumph is for good men to do nothing.
At this moment in time, mahigit 50 days na lang po at magluluklok na tayo ng siyang magiging Pinuno ng ating bansa, bayan, lalawigan at bayan.
Huwag po nating kakalimutan na ang ating pagpapasya ang magsislbing panulat sa pag-ukit ng panibagong pahina ng kasaysayan ng ating minamahal na bansa.
Sa nakalipas na ilang buwan, marami ang ina asahang kakandidato bilang Pangulo atbp. subalit ng makita ang kanilang mababang resulta sa survey ay mga nangabahag ang buntot at umatras sa kanilang pinapangarap na pwesto. Sa ganang akin, ito'y kawalan ng matibay na paninindigan at prinsipyo sa adhikaing dapat sana'y naisulong.
Ito nama'y sa aking pananaw lamang...ang pag aalok ng sarili upang maging lingkod bayan ay hindi dapat nakabase kung popular ka ba o hindi, mataas ba ang rating mo sa survey o hindi, sa kadahilanang hindi naman po popularity contest ang pinag uusapan o ang larangan ng politika.
Tama ang aking kandidato ng kanyang wikain ang ganitong pangungusap...This world is too poor to buy my conviction on the principles of truth, justice and righteousness.
Among all the candidates...siya lamang ang nakulong ng dalawang beses noong panahon ng diktadurya dahil sa pakikipaglaban para sa maliliiit at maralita. Siya ng nakipaglaban kasama ang ilang mga estudyante upang makamit ang malaking parsela ng lupa na ngayon ay kinatitirikan ng P.U.P. sa Sta. Mesa. Lahat ng kanyang honorarium, bilang board of regent ng nabanggit na pamantasan ay mapunta sa mga poor but deserving student ng pamantasan. Wala siyang ibinulsa kahit isang kusing.
Huwag nating sayangin ang ating boto. Sa halip tayo po'y maging tunay na matalino.
Nasubukan na natin ang iba't ibang klase ng liderato...babae at lalaki...nakapag-aral o salat man sa edukasyon.
Panahon na po na ang dapat piliin natin ay hindi lamang naniniwala sa Diyos, sa halip yun pong may tunay na takot sa Diyos.
Naalala ko din po ang sabi ni John Maxwell...everything rises and fall on leadership.
Ito po ang maga katangiang dapat nating tingnan sa isang nag aalok ng panunungkulan...
Character
Competence
Compassion
Courage
Para sa akin po... lahat ng ito ay nasa kay Bro.Eddie Villanueva!!!
VOTE WISELY...VOTE!!!
BRO. EDDIE VILLANUEVA
FOR PRESIDENT
KAISA NINYO SA PAGBANGON NG PILIPINAS!!!
Jojo Delos Reyes
Friday, March 19, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)