Tuesday, March 31, 2009

Sama Na Sa Pagbabago!!!

Nang manalo si Barack Obama dahil sa mensahe niyang "change" o pagbabago, naging bukambibig na ito ng mga pulitiko at karaniwang tao na para bang ngayon lang nila ito narinig. At kahit malayo-layo pa ang official campaign period, kanya-kanya ng labas ng slogans at statements ang mga pumuposisyon para sa darating na 2010 election.
Nakiki-uso?

Ang totoo, narinig ko na ang mensaheng iyan noon pa mang 2004 presidential elections. Isa ako sa naki-sigaw, naki-kanta, naki-rally, naki-rally, naki-busina, naki-dikit, naki-kaway, at naki-kapit-bahay para ihayag ang mensahe ng pagbabago.. Suot ang dilaw na kamiseta habang winawagayway ang dilaw na panyo, dilaw na banderitas, o kahit anong dilaw na lang, walang katulad ang maibandera nang buong dangal na may mga Pilipinong tumutugon sa hamon ng pagbabago. Sa pamamagitan ni Bro. Eddie Villanueva, ito ang mensahe noon ng Bangon Pilipinas.
Sa pag-usad ng mga taon, ito pa rin ang hamon ngayon para sa isang Bagong Pilipinas! At naniniwala akong si Bro. Eddie Villanueva pa rin ang dapat manguna rito. Dahil hindi huminto ang kanyang maalab na paninindigan para ibangon ang dangal ng sambayanang Pilipino, mula noon hanggang ngayon.

Kung talagang gusto natin ng pagbabago, maki-alam tayo. At sa sama-sama nating pagkilos, talagang may pag-asa pa para sa isang bagong Pilinas ... ang isang bagong Pilipino! Ating Ibalik ang puri at dangal ng lahing Filipino!!!
BY: MAIDA PULIDO