Sunday, January 25, 2009

Pag-asa Ba Ang Hanap Mo???


Mahalaga ang pag-asa sa buhay ng tao. Kung ito ay mawawala sa ating puso at kalooban, kapahamakan ang maaring idulot nito sa ating buhay. Anuman ang kalagayan natin, mayroon man tayong pangangailangan, ito man ay kagalingan sa sakit karamdaman, kapayapaan man ng isipan ang ating kailangan. Ang Panginoong Hesus ay may nakalaang katugunan anuman ang ating pangangailangan.


Ilang taon na ang nakakaraan ng ako ay ma destino bilang isang Pastor sa isang malayong bayan sa lalawigan ng Bulacan. Aking nakilala ang isang ginang na noon ay may karamdaman. Gumuho ang kanyang pangarap at pag -asa sa buhay ng malaman niya na siya ay may karamdaman na lubhang pinangangambahan ng napakaraming kababaihan. Subalit isang araw, ng marinig niya ang mensahe ng mabuting balita ng ating Panginoong Jesus, aking tinuran sa kanya na huwag niyang alisin ang pag-asa sa kanyang katayuan at kalagayan. Winika nga ng Panginoong Jesus, Sinuman ang nabibigatang lubha sa kanyang pasanin, lumapit lamang sa Kanya at bibigyan NIYA ng kapahingahan. (Mateo 11:28), sapagkat sinuman na lumalapit sa Panginoon sa anuman kapamaraanan ay hindi Niya itataboy. (Juan 6:37). Ng kanyang marinig ang mensahe ng ating Panginoon, siya'y humiling ng panalangin ng kagalingan sa kanyang karamdaman. Purihin ang Panginoon, ang Diyos ay gumawa ng himala sa kanyang buhay. Siya ay tumanggap ng himala ng kagalingan.

"People can live 40 days without food, 3 days without water, 8 min. without air, but can't live 1min. without HOPE."